Dapat na mag isyu ng TRO o Temporary Restraining Order ang Korte laban sa Oplan Tokhang.
Ayon ito kay Associate Justice Francis Jardeleza na pinuntirya sa kaniyang pagtatanong kay Solicitor General Jose Calido ang Section 3 o House to house visitation stage na nasa ilalim ng concept of operations ng PNP command memorandum circular na nagde detalye ng project Double Barrel.
Sinabi ni Jardeleza na labag ang nasabing probisyon sa section 2 ng Republic Act 7438 o an act defining certain rights of person arrested, detained or under custodial investigation.
Hindi umano tumatalima ang house to house visitation stage sa kahulugan ng custodial investigation sa ilalim ng RA 7438.
Bilang depensa sinabi ni Calida na papasok lamang ang RA 7438 kung naimbitahan o naisailalim ang isang indibidwal sa custody ng pulisya.
Subalit iginiit ni Jardeleza na lumalabas na tila dinala lamang ng pulisya ang kanilang istasyon sa bahay ng isang drug suspect at posible rin na may paglabag ang Tokhang sa karapatan ng isang mamamayan laban sa unreasonable search and seizure.