Nagpasalamat si Senador Grace Poe sa tiwala sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay makaraang sabihin ni Pangulong Duterte na maaari siyang maging Presidente ng bansa sa darating na mga panahon kapag pinayagan na ng konstitusyon ang foundlings’ o mga inabanduna na tumakbo.
Dagdag pa ni Poe malaking bagay, personal man o sa aspetong political ang pagtitiwala na ito sa kaniya ng Pangulo.
Gayunman, iginiit ng Senador na hindi sana gamiting dahilan ng Pangulo ang kaniyang pagiging foundling para sa pagsusulong ng Charter Change at nagdesisyon din umano ang Korte Suprema noon na nagsasabing may karapatan siyang kumandidato.
Ngungit ayon kay Poe nanatiling si Pangulong Duterte ang pinili at inihalal ng publiko kaya’t dapat nitong tapusin ang kaniyang anim na taong termino sa halip na magbitiw sa oras na maisagawa ang Chacha.