Sinimulan na ng Pasig-PNP ang paggamit ng body cameras sa kanilang mga operasyon.
Ayon kay Chief Supt. Romulo Sapitula, hepe ng EPD o Eastern Police District command, layon nito na maging transparent ang mga operasyon ng pulisya.
Sa kabila ito ng pagkakatanggal sa PNP na pangunahan ang operasyon laban sa illegal drugs.
Binigyang diin ni Sapitula na hindi naman nagbakasyon ang mga pulis kahit wala na sa kanila ang war on drugs dahil napakarami pa ring krimen ang nangyayari ngayon sa kapaligiran.
Mas maganda na ngayong may body camera na kami, kung ibalik man ang lahat ng drug operation, magkakaroon na ng transparency, makikita ng taumbayan kung ano talagang nangyayari ng ating kapulisan. Nakafocus kami ngayon sa mga krimen upang maiwasan ang panghoholdap, at ‘yung mga riding-in-tandem shooters
Pasig Police, nagsimula nang gumamit ng mga body camera para sa pang araw araw na operasyon; NCRPO chief Albayalde, ininspeksyon din ang kapabilidad ng mga nasabing camera pic.twitter.com/kb6OiTUX0o
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) November 30, 2017