Nagtapos na ang continuing registration ng Commission on Elections para sa 2018 Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ayon sa COMELEC, mula Nobyembre a-sais hanggang kahapon o sa huling araw ng registration ay umabot lamang sa mahigit kalahating milyon ang mga botanteng nakapagpatala sa buong bansa.
Simula alas 8:00 ng umaga hanggang ala 5:00 ng hapon ay tumanggap ng applications ang COMELEC kahit National Holiday bilang pagdiriwang sa ika-154 na kaarawan ng bayaning si Gat Andres Bonifacio.