Nagbabala si dating Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo na magreresulta sa “one-man rule at authoritarianism” ang pinalulutang na revolutionary government ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa paglahok sa kilos-protesta sa Maynila sa ika-154 na kaarawan ni Andres Bonifacio kahapon, iginiit ni Taguiwalo na tiyak na bubuwagin ang Kongreso sa oras na itatag ang pamahalaang rebolusyonaryo.
Dumaan na anya ang bansa sa batas militar at batid namang hindi ito ang solusyon sa mga hinaing ng mga mamamayan sa kahirapan, kawalang trabaho at karahasan.
Magugunita noong Nobyembre 20 ay muling nagbanta si Pangulong Duterte na magdedeklara ng revolutionary government kung tatangkain ng kanyang mga kritiko at kalaban na pabagsakin ang gobyerno.