Nagpatupad ng rollback sa kanilang presyo ng Liquified Petroleum Gas o LPG ang kumpaniyang Petron ngayong unang araw ng Disyembre.
Epektibo kaninang alas 12:01 ng hatinggabi, aabot sa 40 sentimos ang tapyas presyo sa kada kilo ng Petron para sa kanilang cooking gas.
Dahil dito, maglalaro na sa 658 hanggang 688 pesos ang presyo ng bawat labing isang kilo ng Gasul habang nasa 628 hanggang 665 pesos naman ang magiging presyo ng kada 11 kilogram na tangke ng Fiesta gas.
Samantala, sinabi ng Petron na 20 sentimos naman ang tapyas presyo ng Petron para sa kada litro ng kanilang Auto LPG.