Pumalag sina Senadora Cynthia Villar at Senador Juan Miguel Zubiri sa hirit ni Senador Panfilo Lacson na tapyasan ng 50 milyong piso ang ilalaang pondo para sa Department of Public Works and Highways o DPWH.
Ito’y makaraang kuwestyunin ni Lacson ang anito’y mga infrastructure projects ng pamahalaan na nakapangalan lamang sa isang John Doe o unknown dahil sa tiyak na pag-uugatan iyon ng korapsyon.
Ayon kay Villar, kinausap na niya si Lacson hinggil sa isyu dahil tiyak na maiipit sila ni Zubiri sa kanilang nakahanay na mga proyekto tulad ng tulay, flood control at kalsada.
Pero giit ni Lacson, mahirap aniyang paglaanan ng pondo ang mga proyektong may kinahaharap na isyu tulad ng right of way dahil tiyak na matetengga lamang ito ng mahabang panahon sa halip na magagamit agad ang pondo.
—-