Ipinatigil na ng Department of Health o DOH ang libreng pagbabakuna kontra dengue.
Ito ay matapos lumabas sa pag-aaral na posibleng magkaroon ng severe dengue ang mga tinurukan ng dengvaxia nang hindi pa nagkaka-dengue.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, nakatakda silang makipagpulong sa World Health Organization o WHO ukol dito.
Kasabay nito, nais din ng DOH na linawin ng pharmaceutical company na Sanofi kung ano ang ibig sabihin ng “severe dengue”
“Focusing on again, surveillance na talagang napaka-importante, monitoring, investigation and reporting.” Ani Duque
Sa kabila nito, pinawi ni Duque ang pangamba ng mga magulang ng mga batang nabakunahan na noon ng dengvaxia.
“Safe pa rin ang mga bakunang ito, huwag po kayong mangangamba ang DOH ay nasa ibabaw ng issues na ito.” Dagdag ni Duque
Ayon naman sa kay Dr. Benjamin Co ng Food and Drug Administration o FDA, hindi rin muna maaaring ibenta ang mga bakuna kontra dengue na nasa merkado na.
“Basta hindi lang nila puwedeng ibenta hanggang hindi napapalitan ang product information leaflet.” Pahayag naman ni Co
—-