Iginiit ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na walang ginawang paglabag ang mga grupong nananawagan para isulong ang revolutionary government.
Sinabi ni Aguirre na malaya ang sinuman na ilahad ang kanilang mga saloobin at pananaw tulad ng ginawa ng mga lumahok sa pagtitipon noong Bonifacio Day.
Paliwanag ni Aguirre, ang naturang aktibidad ay bahagi ng kanilang “freedom of expression” o paniniwala na sa pamamagitan ng revolutionary government ay mas mapadadali ang pagbabago sa bansa.
Matatandaang noong nakaraang Huwebes ay nagtipon – tipon sa Mendiola ang mga taga – suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte para isulong ang pagde – deklara ng revolutionary government kung saan nakasabay nila sa rally ang mga grupong kontra naman sa dito.