Tiniyak ng Department of Agriculture o DA na patuloy ang kanilang pagtutok sa iba pang poultry farms, hindi kalayuan mula sa napaulat na na-kontamina ng bird flu virus sa Cabiao, Nueva Ecija kamakailan.
Ito’y sa kabila ng kumpirmasyon ni Agriculture Secretary Manny Piñol na napigilan na ang pagkalat ng nasabing virus sa nasabing lugar.
Dahil dito, wala nang pangangailangan ayon sa kalihim na isailalim pa sa quarantine at containment ang buong lalawigan bunsod ng pangyayari.
Magugunitang aabot sa 42,000 mga manok ang kinatay o isinailalim sa culling process matapos magpositibo sa naging pagsusuri ng Regional Animal Disease Detection Laboratory.
Gayunman, patuloy na umaapela ang Bureau of Animal Industry sa mga residente sa nasabing lalawigan na makipagtulungan at agad ipagbigay-alam sa kanila kung may mga poultry farms na posibleng napepeste ng bird flu virus sa kanilang lugar.
—-