Posibleng sa unang bahagi pa ng susunod na taon muling makapag-export ang Pilipinas ng mga karne ng manok sa ibang bansa.
Ito’y ayon kay Dr. Arlyn Vytiaco, pinuno ng Animal Health and Welfare Division ng Bureau of Animal Industry, makaraang makumpirma ang panibagong kaso ng bird flu virus sa isang poultry farm sa Cabiao, Nueva Ecija kung saan idineklara na itong kontrolado ng pamahalaan.
Pero batay aniya sa panuntunan ng World Health Organization o WHO, kinakailangang maghintay ng 90 araw matapos ang final disinfection sa mga apektadong lugar bago payagang makapag-export ng karne ng manok ang Pilipinas.
Sakaling ganap nang maging bird flu free ang Pilipinas, sinabi ni Vytiaco, na aabisuhan nito ang World Organization for Animal Health na posibleng isagawa sa unang linggo ng Pebrero at isasailalim pa iyon sa pag-aaral.
—-