Inilunsad na ng Department of Health o DOH ang kanilang taunang kampanya kaugnay sa paggamit ng mga paputok, na may target na “zero firecracker – related injuries” sa pagsalubong ng taong 2018.
Layunin ng ahensya na ma – improve ang record nito na mula sa animnaraan at tatlongpu (630) na firecracker – related injuries noong 2017 na 32% na mas mababa noong 2016 hanggang zero percent (0%) ngayong darating na 2018.
Nananatili pa rin ang ipinagbabawal na ‘piccolo’ na may pinaka – maraming dahilan ng injuries.
Ayon kay Health Undersecretary Gerardo Bayugo, epektibo na ang executive order na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte at huhulihin ang mga lalabag dito.
Hinimok naman ng DOH katulong ang mga pulis at local government units (LGU’s), ang mga bata at mga magulang na makibahagi sa nabanggit na kampanya.
Matatandaang pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order (EO) No. 28 noong Hunyo na naglilimita sa paggamit ng mga paputok at pagkakaroon ng ‘community fireworks display’.