Nagpasaklolo na sa mga otoridad si The Manila Times Senior Reporter Jomar Canlas matapos makatanggap ng ‘death threat’ kasunod ng pagsalang sa pagdinig ng Kamara sa impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sinabi sa DWIZ ni Canlas na Biyernes niya natanggap ang dalawang text message nang pagbabanta sa kaniyang buhay.
May pagbabanta siya na papatayin daw ako at magpaalam na daw ako sa pamilya ko… asawa’t anak.
‘Yun… basically ang laman nung text message. Tatlo daw silang papatay sa’kin.
Twice lang na text message… 2:22 tsaka 2:23 ng hapon, may mura rin, may murang kasama.
Winelcome naman ni Canlas ang pahayag ni Manila Police Director o MPD Director Joel Coronel na bibigyan siya ng seguridad kung kinakailangan.
We welcome that, siyempre… tayo naman eh trabaho lang, wala naman akong ibang naisip kundi… ginagampanan lang natin ang trabaho natin bilang isang mamamahayag na kagaya ko at nagkataon lang na isa ako sa unang pinatawag dito sa impeachment proceedings, dito sa investigation kay Chief Justice Sereno.
Wala naman akong ibang maisip na panggagalingan sapagkat 25 years na akong mamamahayag, wala naman akong natatanggap na pagbabanta.
Samantala, ibe – verify ng MPD ang pagbabanta sa buhay na natanggap sa pamamagitan ng text message ni Jomar Canlas.
Ipinabatid ito sa DWIZ ni MPD Director Joel Coronel na nagsabing makikipag – ugnayan sila sa iba pang otoridad para ma imbestigahan ang nasabing death threat.
Ibe – verify natin, iva – validate natin ‘yung text message… sa cellphone at makikipag – tulungan tayo sa ating Anti – Cybercrime Group and also… with the TeleComms to identify the details.
Kunin namin ‘yung kanyang [Jomar Canlas] personal background and information regarding ‘yung mga possible motives or reasons why death threat was sent to him.
So, ‘yan ang mga aalamin natin ngayon and then we will ask him to execute siguro an affidavit as per stated to this matter.
So this can be recorded now in our files and can be use for further investigation.
Sinabi pa ni Coronel na handa silang bigyan ng seguridad si Canlas hangga’t kinakailangan ito ng reporter dahil sadyang nakakabahala ang nasabing text message rito.
‘Yun na po isa ring basis also for requesting security is the threat assessment and validation kaya mabuti po na naririto na po si Jomar para ibigay ‘yung kanyang binanggit sa akin, to execute a formal statement and from there, we will recommend an assignment of security personnel until such threat has been addressed.
Kung babasahin kasi natin talagang nakakabahala dahil nga banta sa buhay niya at tsaka sa mga nangyayari ngayon, isa po siya sa mga importanteng taong humarap doon sa impeachment proceedings.
I considered this as very serious.