Nananatiling positibo si British Prime Minister Theresa May na magkakaroon pa rin ng magandang resulta ang nagpapatuloy na negosasyon hinggil sa Brexit o ang tuluyang pagkalas ng Britanya sa European Union.
Ito’y makaraang mabigo ang United Kingdom at ang European Union na magkasundo sa nasabing usapan dahil sa pag-alma ng Democratic Union Party.
Partikular na tinututulan ng nasabing partido ang usapin ng Irish boarder na kasama sa kinukuhang teritoryo ng Britanya bago ito tuluyang kumalas.
Magugunitang inihayag ni Irish Prime Minister Leo Varadkar na natapos na sana ang usapin ng Irish border subalit tila nagbago ang pasya ng UK hinggil dito.
—-