Naniniwala ang militar na Mahina at desperado na ang mga miyembro ng Abu Sayyaf sa Sulu.
Ayon kay Brigadier General Cirilito Sobejana, commander ng Joint Task Force Sulu, mula sa 500 noon nasa 400 na lang ngayon ang bilang ng mga terorista sa Sulu.
Hindi na kasi aniya nakabalik sa probinsya ang 100 Abu Sayyaf na ipinadala sa Marawi para tumulong sa Maute.
Si Radullan Sahiron pa rin aniya ang namukuno sa bandidong grupo.
Sa ngayon ayon kay Sobejana, nasa 9 na lang ang hawak na bihag ng Abu Sayyaf sa Sulu, 6 dito ay mga banyaga habnag 3 ang Pilipino.
—-