Pumalag ang Partido Komunista ng Pilipinas – Bagong Hukbong Bayan sa naging deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na isama sila sa hanay ng mga terorista.
Ayon kay CPP-NDF Peace Panel Chairman Fidel Agcaoili, hindi dapat ituring na terorista ang CPP dahil ang militar pa nga sa katunayan ang siyang naghahasik ng lagim sa mga kanayunan.
Binigyang diin ni Agcaoili na ang pinatay na pastor sa Mindoro na aniya’y kagagawan ng militar at hindi ng New People’s Army o NPA.
Samantala, nilinaw naman ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi pa agad magiging epektibo ang naturang deklarasyon.
Kahapon, muling binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2017 Model OFW Family of the Year Awards sa Malacañang ang dahilan kaya’t pinutol na niya ang peace talks sa pagitan ng pamahalaan at ng mga komunista.
—-