Pinangalanan na ang papalit kay Philippine National Police o PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na magreretiro sa susunod na taon.
Ito ay sa katauhan ni Deputy Director General Ramon Apolinario, ang Deputy Chief for Administration ng PNP at kabilang sa PMA Class of 1985.
Inanunsyo ito ni Supt. Ercy Nanette Tomas, Legal Officer ng PNP Center for Police Strategic Management sa 3rd PNP National Advisory Council Summit sa Waterfront Hotel and Casino sa Cebu City.
Nabatid na makailang beses na binanggit sa pagtitipon na si Apolinario na ang papalit kay Dela Rosa na magreretiro na sa January 21, 2018 dahil sa mandatory retirement age na 56 taon.
Si Apolinario ay isa sa tatlong pinagpilian ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging unang pinuno ng PNP sa kanyang panunungkulan.
—-