Tumaas ang bilang ng mga Pilipino na nagugutom batay sa survey ng Social Weather Stations o SWS, noong ikatlong quarter ng taon.
Sa survey noong September 23 hanggang 2017, ng SWS, 11.8 percent o nasa 2.7 milyong pamilya ang nakararanas ng “moderate hunger” o hindi nakakakain ng hanggang isang beses sa nakalipas na tatlong buwan.
Kumpara ito sa 9.5 percent o 2.2 milyong pamilyang nakaranas ng gutom noong Hunyo.
Isinagawa ang SWS survey sa pamamagitan ng face-to face interviews sa 1500 adults respondents sa Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao.
—-