Sinampahan na ng kaso ng Sandiganbayan ang ilang dating opisyal ng administrasyong Arroyo kaugnay sa Malampaya Fund Scam.
Kabilang dito sina Budget Secretary at ngayon ay Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr. dating DBM Usec Mario Relampagos at dating Agrarian Reform Sec. Nasser Pangandaman.
Gayundin si Pork Barrel Fund Scam Queen Janet Lim Napoles at mga anak nitong sina Jo Christine, James Christopher at iba pang pribadong respondents.
Ngunit sa halip na plunder ay ibinaba ng Ombudsman sa kasong graft at malversation of public funds through falsification of public documents ang isinampa sa mga akusado.
Batay sa imbestigasyon ng Ombudsman, napatunayan na may nangyaring anomalya sa pagpapalabas at paggamit ng 900 Million Pesos na pondo mula sa Malapampaya para sa rehabilitasyon ng mga lugar na nasalanta ng bagyong Ondoy at napunta umano ito sa Non-Government Organization ni Napoles.