Nakahanda ang grupong Motorcycle Philippine Federation na makipag-usap sa MMDA o Metropolitan Development Authority at MMC o Metro Manila Council.
Kaugnay ito ng muling pagbuhay sa panukalang ipagbawal ang mga motorsiklo sa EDSA dahil sa tumataas na bilang ng aksidenteng kinasasangkutan nito.
Ayon kay Motorcycle Philippine Federation Director for Administration Atoy Sta. Cruz, panahon pa ni Senador Sherwin Gatchalian bilang pinuno ng MMC napag-usapang ipagbawal ang mga motorsiklo sa EDSA, Commonwealth at Macapagal Avenue.
Aniya, sa kanilang isinumiteng position paper noon, kanilang iginiit na ilang mga motoriders na may kinalaman sa mga pagkain at mga messengers na kinakailangang dumaan sa EDSA.
Dagdag ni Sta. Cruz, ang kailangang tutukan ng mmda ay ang mahigpit na pagpapatupad sa designated motorcycle lane sa halip na tuluyan itong ipagbawal sa EDSA.
Binigyang diin pa ni Sta. Cruz na hindi lamang dapat motor ang tutukan ng MMDA kundi maging ang ibang uri ng mga sasakyan.
Sana huwag puro motorsiklo ang tingnan ng MMDA, ang mungkahi ko, lahat ng Uber at Grab ay lagyan ng marking sa may gilid ng kotse para malaman natin ilan ba talaga ‘yung nagpapasikip sa EDSA. Higpitan na lang talaga ‘yung motorcycle lane pero huwag ipagbawal ang motor sa EDSA.