Aminado si Police Deputy Director General Ramon Apolinario na na – excite siya nang mabalitaang napupusuan siya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang susunod na pinuno ng pambansang pulisya.
Ito ay sa oras na bumaba na sa puwesto si Philippine National Police (PNP) Chief Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa Enero ng susunod na taon.
Ayon kay Apolinario, lahat naman ng heneral sa PNP ay nagnanais na maging hepe ng pambansang pulisya.
Gayunman, iginiit ni Apolinario na wala na muna siyang ibibigay na mga komento hangga’t wala pang opisyal na anunsyo mula sa Pangulo.
Wala pa rin aniya siyang naiisip na mga programa at tututukan na lamang muna ang kanyang trabaho bilang Deputy Director na pangalawang pinakamataas na puwesto sa PNP.
Si Deputy Director General Ramon Apolinario, ang Deputy Chief for Administration ng PNP at kabilang sa PMA Class of 1985.
Nabatid na makailang beses na binanggit sa isang pagtitipon na si Apolinario na ang papalit kay Dela Rosa na magre – retiro na sa Enero 21, 2018 dahil sa mandatory retirement age na 56 taon.
Si Apolinario ay isa sa tatlong pinagpilian ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging unang pinuno ng PNP sa kanyang panunungkulan.