Umaasa si Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na walang mamamatay kahit isa sa kanilang muling pagsabak sa giyera kontra iligal na droga.
Sa kanyang talumpati sa harap ng Filipino Community sa New York City, humingi si Dela Rosa ng panalangin para sa matagumpay kampanya kontra iligal na droga ng administrasyong Duterte.
Gayundin, sa kanilang isinasagawang internal cleansing sa hanay ng pambansang pulisya.
Ibinahagi din ni Dela Rosa na aabot na sa mahigit tatlong daang (300) mga tiwaling pulis ang kanya nang sinibak sa serbisyo.
Si Dela Rosa ay kasalukuyang nasa Estados Unidos para dumalo sa isang counter terrorism forum.
Matatandaang inilipat ni Pangulong Duterte sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pangunguna sa giyera kontra droga matapos na masangkot ang mga pulis sa mga sunod – sunod na kontrobersya.