Binalaan ang mga Pilipinong nasa Israel laban sa pagbisita sa mga lugar ng Jerusalem, West Bank at Golan Heights.
Kasunod ito nang pagkilala ni US President Donald Trump sa Jerusalem bilang capital ng Israel.
Ayon sa Philippine Embassy sa Tel Aviv patuloy ang matitinding protesta sa Jerusalem, West Bank at Golan Heights matapos ang nasabing deklarasyon ni Trump.
Pinayuhan pa ng Philippine Embassy ang mga Pilipino na mag monitor ng local news at sumunod sa security bulletins mula sa Israel special forces at kaagad tumawag sa hotlines ng embahada kapag may emergency.