Nababahala ang China sa bilateral investment agreement ng Pilipinas at Taiwan.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesman Geng Shuang walang problema ang China sa normal na ugnayan ng kalakalan ng Pilipinas at Taiwan subalit hindi sila pabor sa anumang opisyal na palitan ng kasunduan ng dalawang bansa.
Sinabi ni Geng na umaasa silang tatalima ang Pilipinas sa One China Policy at iwasang malamatan ng Taiwan ang magandang ugnayan ng Pilipinas at China.
Iginiit ni Geng na walang karapatan sa diplomatic recognition ang Taiwan dahil bahagi ito ng China.