Itinalaga ng Pangulong Rodrigo Duterte si Court of Appeals Associate Justice Romeo Barza bilang bagong Presiding Justice ng Appellate Court.
Tinalo ni Barza sina Acting Presiding Justice Remedios Salazar-Fernando at Associate Justice Marlene Gonzales Sison para maging kapalit ni Justice Andres Reyes, Jr. na itinalaga naman sa Korte Suprema nuong Hulyo.
Si Barza ay mula sa lupon, Davao Oriental at co founder ng ngayo’y nabuwag nang Carpio Villaraza Barza Cruz and Roselle Law Offices na mas kilala bilang The Firm.
Ang dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang nagtalaga kay Barza sa C.A nuong may 2006.