Naniniwala si House Speaker Pantaleon Alvarez na dapat pang bigyan ng mas mahabang panahon si Pangulong Rodrigo Duterte para resolbahin ang problema sa iligal na droga sa Pilipinas.
Tugon ito ni Alvarez sa paghingi pa ng isang taon ni Pangulong Duterte para sugpuin ang illegal drugs.
Binigyang diin ni Alvarez na hindi dapat i-pressure si Pang. Duterte lalot sadyang mabigat na problema ang ilegal na droga sa bansa.
Dahil dito, sinabi ni Alvarez na bigyan ng pagkakataon ang Pangulo na trabahuhin ang problemang ito hanggang sa matapos ang termino ng punong ehekutibo sa 2022.