Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment ang mga employer na hindi dapat bawasan ang 13 month pay at iba pang bonuses ng kanilang mga empleyado.
ibinabala ng DOLE na maaaring makasuhan ng illegal deduction ang mga employer na magkakaltas sa mga benepisyo ng manggagawa lalo na kung wala itong pahintulot ng empleyado.
Una nang ipinag-utos ng DOLE ang pagbibigay ng 13 month pay ng mga empleyado para mapakinabangan na ito bago magpasko.
Ayon sa batas, dapat maibigay ang 13th month pay nang hindi lalagpas sa December 24.