Posibleng pabalikin na sa Pilipinas ng pamahalaan si Communist Party of the Philippines (CPP) Founding Chair Jose Maria Sison.
Ayon ito kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ay kapag tuluyan nang maideklara ng Korte na isang terrorist organization ang CPP at New People’s Army o NPA.
Paliwanag ni Cayetano, maaaring bawiin ng gobyerno ang ibinigay nitong asylum kay Sison at pabalikin ito sa bansa para papanagutin sa mga kasong kinahaharap nito.
Mula pa noong 1987 ay nasa Netherlands na si Sison.
Sa ilalim ng Section 17 ng Human Security Act o Republic Act 9372, kinakailangang dumaan sa Korte ang pag – kunsidera sa isang organisasyon bilang teroristang grupo para mabigyan ng pagkakataon ang nasabing organisasyon na maipagtanggol ang kanilang panig.