Isinusulong ng Department of Energy o DOE ang pagtatakda ng 25% na contingency reserve requirement para sa power generating companies.
Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, ito’y upang maibigay sa mga consumers ang sapat na suplay ng kuryente sa tuwing tumataas ang demand, maiwasan ang power plant shutdowns at iba pang aberya.
Sa ginanap na Energy Investment Forum 2017, binigyang – diin ni Cusi na kasalukuyan na nilang binubuo ang isang ‘resiliency plan’ para sa sektor ng eherhiya upang maibsan ang epekto ng mga natural na kalamidad.
Idiniin din ng opisyal, hindi lamang ang kahalagahan ng energy security issues, kundi maging ang pakinabang ng energy sector sa public – private partnership o PPP.