Mahigit isang daang libong pisong (100,000) halaga ng iligal na droga ang nasabat ng mga awtoridad sa ikinasang buy-bust operation sa Bayabas, La Trinidad.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency, nakilala ang dalawang target ng drug bust na sina Annuel Lumanas Guyon (27-anyos) at Jonel Pilingen Evangelista, 21-anyos.
Apat na sachet na naglalaman ng labing-limang (15) gramo ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng PDEA at sinasabing nagkakahalaga ng 150,000 pesos.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga naturang suspek.