Sumalang sa limang araw na pagsasanay ang mga personnel ng Bureau of Customs upang mapalakas ang kampanya ng ahensya laban sa smuggling.
Dalawampu’t isang (21) customs personnel mula sa sampung pantalan sa buong bansa ang tinuruan tungkol sa inspection at data collection.
Ang five-day training ay pinangunahan ng US Export control and Related Border Security Program at US Customs and Border Protection, kasabay na rin ng pag-turnover ng mga kagamitan para mapaigting pa ang kanilang port screening.
Nasa dalawampung personal radiation detectors ang ipinagkaloob ng Estados Unidos na nagkakahalaga ng 1.5 million pesos.