Tatlong araw matapos ibalik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PNP ang war on drugs, pinalitan ang hepe ng PNP Drug Enforcement Group na si Chief Superintendent Joseph Adnol epektibo sa Lunes, December 11.
Batay sa inilabas na reassignment order ng PNP, ipapalit kay Adnol si Police Senior Superintendent Albert Ferro, ang dating hepe ng binuwag na PNP Anti-Illegal Drugs Group.
Sa panayam kay Adnol, sinabi nitong naniniwala siyang walang kinalaman sa pagkakaalis niya sa pwesto ang kanyang naging panayam sa media kung saan sinabi niyang hindi kailangan ng mga pulis ang body camera sa mga anti drug operation dahil may Diyos namang nagmamasid sa kanila.
“I don’t think so that would be the cause of the relief. I do believe it’s because of the movement that’s ongoing in the organization to reposition officers of the retirement of the other officers in the organization.”
“As of now I’m just waiting for guidance, but of course on my part, I expect anything that will happen. I’m hopeful na its all for the better always for the Philippine National Police.”
Itinalaga ngayon si Adnol bilang director ng Philippine National Police Academy (PNPA)
Naupo si Adnol sa PDEG nitong oktubre kung kailan tinanggalan ng kapangyarihan ang PNP sa war on drugs.
Bukod kay Adnol, tinamaan din ng rigodon ang 6 na iba pang opisyal sa pulisya na namumuno sa mga rehiyon at ibat ibang unit ng PNP.