Napili ang Pilipinas, Japan at Indonesia bilang host ng 2023 FIBA World Cup of Basketball.
Nakalaban ng tatlong Asian countries ang kapwa mga finalist na Argentina at Uruguay.
Ito ang unang pagkakataon na tatlong bansa ang napili ng FIBA na mag-host ng pina-prestihiyosong basketball event na ginaganap kada apat na taon.
Tatlumpu’t dalawang team ang lalahok sa naturang torneyo na gaganapin sa Philippine Arena sa Bulacan, Mall of Asia Arena sa Pasay at Smart-Araneta Coliseum sa Quezon City.
Ang four group stage games ay posibleng ganapin sa bansa habang ang apat pang group stage game ay sa Japan at Indonesia habang ang knockout matches ay isasagawa sa Pilipinas.
Philippines, Japan and Indonesia will host the FIBA Basketball World Cup in 2023! #FIBAWC pic.twitter.com/OgteRbCdH8
— FIBA World Cup (@FIBAWC) December 9, 2017