Inanunsyo ng Armed Forces of the Philippines o AFP at Philippine National Police na kanselado na ang kanilang bakasyon ngayong holiday season dahil sa pinaigting nilang kampanya laban sa CPP-NPA at iba pang lokal na teroristang grupo.
Pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, ipinagpaliban muna ang holiday break ng mga sundalo at pulis para matutukan ang mga opensiba laban sa NPA terrorist group.
Kabilang din aniya sa mga tinutugis ng tropa ng pamahalaan ang teroristang Abu Sayyaf group o ASG, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF at mga armadong grupo na nagbabanta ng kaguluhan sa bansa.
Ayon pa kay Lorenzana, target din ng kanilang operasyon ang mga NDF consultants at mga lider ng CPP-NPA.
Sinabi ng PNP, nasa full alert status ngayon ang buong hanay ng pambansang pulisya, kasunod ng mga ginagawang pag atake ng CPP-NPA kaya’t obligado ang lahat ng mga pulis na mag-duty sa pasko at bagong taon.