Nangangailangan ng karagdagang traffic enforcer ang iba pang major thoroughfare sa Quezon City lalo sa gabi kung saan madalas maitatala ang mga aksidente.
Ayon kay PNP-Highway Patrol Group Police Community Relations Chief Glenda Lim, simula alas-6:00 ng umaga hanggang ala-10:00 ng gabi idinedeploy ang mga traffice enforcer.
Gayunman, batay aniya sa datos mula sa Metropolitan Manila Development Authority o MMDA, nagaganap ang mga aksidente simula alas-11:00 ng gabi hanggang ala-1:00 ng madaling araw kung kailan wala ng mga traffic enforcer.
Sa mga oras na ito nagaganap ang mga pinakamalubhang road accident na kadalasang sanhi ng kamatayan.
Ipinunto ni Lim na dapat ng ikunsidera ng inter-agency for council for traffic o kahit ng local government ng Quezon City ang pagdedeploy ng mga enforcer kahit gabi hanggang madaling araw.
Bukod sa EDSA at Commonwealth Avenue, madalas ding naitatala ang mga aksidente sa Quirino Highway, Katipunan Avenue, Quezon Avenue, Aurora Boulevard, Andres Bonifacio Avenue at E. Rodriguez Senior Avenue.
—-