Inabsuwelto ng Court of Tax Appeals Third Division sa 17-million pesos tax evasion case si Jeane Catherine Napoles, anak ng umano’y pork barrel scam mastermind na si Janet Lim-Napoles.
Ang kaso ay nag-ugat sa hindi pagbabayad ng income tax ni Jeane Napoles mula 2011 hanggang 2012 para sa umano’y pag-aari niyang mahigit 50 milyong pisong condominium sa Los Angeles California.
Gayundin sa kanyang co-ownership na farm sa Pangasinan na nagkakahalaga ng mahigit isang milyong piso.
Batay sa inilabas na resolusyon ng Third Division ng Court of Tax Appeals, ibinasura ang kasong kriminal ni Napoles na may bilang na O-452 at O-453 dahil sa kakulangan ng ebidensya.
Nauna rito, iginiit ni Napoles na isa lamang siyang estudyante na walang taxable income at iniregalo lamang sa kanya ang nasabing condo unit.
—-