Idinawit ni dating Health Secretary Paulyn Ubial ang ilang mambabatas sa kontrobersiyal na 3.5 billion peso anti-dengue vaccination program ng Department of Health o DOH.
Inihayag ni Ubial sa kaniyang pagharap sa Senate Blue Ribbon Committee na binalaan umano siya ng Kongreso na maaari siyang makulong kapag ipinatigil ang anti-dengue vaccination program.
Ito’y matapos umano niyang tutulan ang pagpapatuloy ng programa dahil sa katunayan aniya ay hindi na siya sang ayon sa deal noong siya ay nanunungkulan pa lamang bilang assistant secretary ng nakaraang administrasyon ngunit nang italaga na siya ni Pangulong Rodrigo Duterte para maging kalihim ng DOH noong 2016 ay bumaliktad na siya dahil na rin umano sa pressure.
Dagdag pa ni Ubial naging isyu rin ito sa Commission on Appointments o CA na naging dahilan na kaniyang pagkaka-reject noong Oktubre 2017.
Hindi naman pinangalanan ni Ubial ang mga mambabatas na nagbanta umano sa kaniya.
—-