Iginiit ng Department of Transportation o DOTr na kinakailangan nang maipatupad ang jeepney modernization program.
Ito ay sa kabila ng pahayag ni Senate Committee on Public Services Chairman Grace Poe na imposible pang maipatupad ang PUV modernization program sa loob ng tatlong taon dahil hindi pa kumpleto ang plano.
Ayon kay DOTr Usec. Tim Orbos, nauunawaan nila ang hinaing ng mga operator at jeepney driver gayunman kanyang iginiit na hindi rin dapat kalimutan ang mga mananakay.
Ang unang phase ng modernization program ay sisimulan na sa susunod na taon kung saan hindi na papayagang bumiyahe ang mga sasakyang babagsak sa motor vehicle inspection system habang maaari pang pumasada sa loob ng tatlong taon ang mga euro 2 type basta pumasa sa smoke emission.
—-