Tumaas ng 12 porsyento ang tourist arrivals sa bansa sa unang sampung buwan ng taong ito.
Ayon sa Department of Tourism pumapalo sa halos 5.5 million tourists ang dumating sa bansa mula Enero hanggang Oktubre kumpara sa halos limang milyon lamang sa kaparehong panahon nuong 2016.
Dahil sa pagdagsa ng mga turista ipinabatid ni Tourism Secretary Wanda Teo na nakapagtala sila ng halos 250 Billion Pesos na kita mula sa mga turistang bumisita sa bansa o mahigit 36% na pagtaas mula sa 178 Billion Pesos na kita nuong isang taon.
Sinabi ni Teo na ang South Koreans pa rin ang nangungunang turista sa bansa na mahigit isang milyon o halos 25% ng kabuuan ng mga turistang bumisita sa bansa at sinundan ito ng China, ikatlo ang Amerika, ika apat ang Japan at ika lima ang Australia.