Ibinunyag ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pag biyahe palabas ng pinuno ng PCUP o Presidential Commission for the Urban Poor pitong beses simula nang maitalaga ito nuong Setyembre.
Sinabi ng Pangulo na hindi niya maintindihan kung bakit kailangang magpakita ng bansa sa kada international conference na siya aniyang ginawa ni PCUP Chair Terry Ridon.
Una nang sinibak ng Pangulo si Ridon kasama ang mga commissioner ng nasabing tanggapan dahil na rin sa kawalan ng collegial meetings.
Dahil dito binigyang diin ng Pangulo na kailangan munang kumuha ng permit sa kaniyang tanggapan ng sinumang opisyal ng gobyerno na magba biyahe sa labas ng bansa.