Hindi pinalampas ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling batikusin ang Republic Act 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act na iniakda ni Senador Francis Pangilinan.
Ayon kay Pangulong Duterte, kinukunsinte ng nasabing batas ang mga menor-de-edad na nakagagawa ng mga karumal-dumal na krimen gaya ng pagpatay at panggagahasa.
Sinisi rin ng punong ehekutibo si Pangilinan sa pagdami ng mga krimeng kinasasangkutan ng mga menor de edad na sa halip papanagutin sa batas o ay nakaliligtas sa asunto.
“Hindi mo akalain na we could be so parochial in this things, fiscal ako eh, so I’ve seen so many cases, dismissed, traped and even encoring the Aire of the judges for our decongest, ganito ang nangyari, tinaasan nya ng 15 so every 15 years old below, whatever the crime maybe or his, maski rape with homicide or nakaw with homicide, nada, once pag hawakan ng pulis yan sabihin nyan na minor ako.”- Pahayag ni Pangulong Duterte
Inaabuso anya ng mga organized crime group ang nasabing batas sa pamamagitan ng paggamit sa mga bata bilang kanilang mga kasabwat sa mga iligal na aktibidad tulad ng pagbebenta ng iligal na droga.
“Unang intervention sana lang naman not even a 30 second lecture or admonition or what not, na masabi lang sa bata that you have committed a very irresponsible act and you must be held to account for it, kasi accountability ang dapat eh maski na hindi mo na kulungin never mind if you do not send him to prison or detain him its gonna be alright if that is the social ….of the times, but the fact is wala so you see the so many sins before on TV nakakasawa na lang, children dyan sa EDSA mag snatch mag patay tapos they go scot free and they are those used kaya pag may makita ka nang adult may makita ka nang bata sa gabi”.- Pahayag ni Pangulong Duterte
Bandang huli, ipinunto ni Pangulong Duterte na pinaka-mahalaga pa rin ang pagdidisiplina ng mga magulang sa kanilang mga anak at inihalimbawa pa ng punong ehekutibo kung ano ang mga sinasapit ng mga tatay at nanay sa Davao City na may mga anak na pakalat-kalat sa kalsada.
“And for the like of me sa Davao meron kasing curfew ipahuli ko talaga ang lahat ng bata, ganito ang style ko you can ask the Davaoeños, but hindi makontrol ng ama or ina, sila mismo ang pinapakulong ko, sinasabi ko sa pulis doon, puntahan mo yang nanay dalhin mo sa istasyon kulungin mo at one time I had this conflict with Gabriela, kasi miyembro nila.” – Pahayag ni Pangulong Duterte.