Nakahanda nang ipatupad ng Department of Transportation o DOTr ang Public Utility Vehicle Modernization Program o PUVMP sa susunod na taon.
Ayon kay Transportation Undersecretary for Road and Infrastructure Thomas Orbos, maipatutupad agad ng DOTr ang PUVMP sa 2018 kung saan sisimulan nang gawing makabago at moderno ang pampasaherong jeepney.
Dagdag pa ni Orbos, sa loob ng tatlong taong transitory period ay makararanas na ng magandang pagbabago ang libu-libong pasahero ng jeepneys.
Ito ay sa pamamagitan aniya ng paggamit ng Land Transportation Office o LTO ng makabagong motor vehicle inspections system sa pagtukoy kung ang mga pampublikong sasakyan ay hindi na nararapat ipasada pa.
—-