Handa ang NBA hall of famer superstar na si Dennis Rodman na magsilbing “peace envoy” ng Estados Unidos sa North Korea.
Ito’y upang maiwasan ang posibleng pagsiklab muli ng digmaan sa pagitan ng dalawang bansa sa gitna ng nagpapatuloy na nuclear arms development program ng NoKor.
Hiniling din ni Rodman kay US President Donald Trump na ipadala siya sa North Korea upang makipag-negosasyon kay Supreme Leader Kim Jong Un at kahit paano ay mabawasan ang tensyon.
Samantala, inihayag din ng retiradong basketbolista na may pagkakahalintulad ng ugali sina Trump at Kim gaya ng pagiging “dominante.”
Limang beses ng bumsita si Rodman sa North Korea simula noong 2012 upang magsilbing trainer ng national basketball team ng NoKor at itinuturing din niyang malapit na kaibigan si Kim.
—-