Nakapag post pa laban kay US President Donald Trump sa kaniyang social media accounts ang suspek sa pambobomba sa isang terminal sa New York.
Nabasa ng prosecutors ang nasabing post ni Akayed Ullah, 27 anyos na nagsabing bigo si Trump na protektahan ang kanilang bansa.
Ipinabatid ng New York Police Department na si Ullah ay kakasuhan ng criminal possession of a weapon, supporting an act of terrorism at making a terroristic threat.
Akusado rin si Ullah sa pagpapasabog ng isang device na suot nito sa isang underpass sa Port Authority Bus sa Manhattan sa kasagsagan ng rush hour.
Si Ullah ay isang Bangladeshi immigrant na ginawang inspirasyon ang Islamic State Group sa ginawang pambobomba.