Isa pang sama ng panahon ang inaasahang papasok sa bansa sa susunod na linggo.
Ayon sa PAGASA ang nasabing Low Pressure Area ay papasok sa PAR o Philippine area of Responsibility sa December 22 at papangalanang Vinta kapag naging bagyo.
Ipinabatid ng PAGASA na bahagyang gaganda ang panahon sa December 18 hanggang December 20 dahil lalabas na ng PAR ang bagyong Urduja.
Inaasahan namang tatama sa kalupaan ng bagyong Urduja bukas sa bahagi ng Eastern Visayas.