Inamin ng Pangulong Rodrigo Duterte na tila “nagka gamitan” sila ng CPP NPA.
Sinabi ng Pangulo na ipinasok niya ang mga miyembro ng maka kaliwang grupo sa kaniyang gabinete para maisa ayos ang linya ng komunikasyon sa mga komunista.
Sa pamamagitan aniya ng mga ito ay nagkaruon siya ng pagkakataong maidulog ang mga kinakailangang mensahe sa grupo.
“And yet I accommodated them even in the cabinet hoping that it would improve the quality of our communications, kaya sinabihan ko nga dre, pwede ba itong ipasa mo, that’s why the purpose was there gamitan lang ito and I was using them, totoo bayaran ko kayo ng sweldo ganito kalaki, you are with government, you have some powers, but I never surrendered yang sa coalition magsali ka dyan sa military, kalokohan yan”. Pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Inamin ng Pangulo na ini idolo niya si CPP Founder Jose Maria Sison na kaniyang dating professor sa kolehiyo subalit napagtanto niyang puro problema lamang ang idinudulot nito at ng kaniyang kilusan sa mga Pilipino.