(11 AM Update)
Bahagyang lumakas at bumagal ang bagyong Urduja habang nagbabanta sa Samar provinces.
Ayon sa PAGASA, inaasahang tatama sa lupa ang bagyo sa bahagi ng Eastern Samar bukas ng umaga.
Huling namataan ang bagyo sa layong 120 kilometro Silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 60 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong papalo sa 80 kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-kanluran sa bilis na 7 kilometro kada oras.
Nakataas ang Tropical Cyclone Warning Signal number 1 sa Catanduanes, Camarines Sur,Albay, Sorsogon, Masbate at Romblon. Gayundin sa Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Biliran, Leyte, at Southern Leyte, Northern Cebu kasama na ang Bantayan Island, Capiz, Aklan at Northern Iloilo.
Sinabi ng PAGASA na asahan ang katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa loob ng 400 kilometro diametro ng bagyo.
Malawakan din ang posibleng mga pag-ulan sa bahagi ng Visayas, Bicol, Caraga at Northern Mindanao sa loob ng 24 oras.
Pinag-iingat ang mga residente sa mga nasabing lugar sa posibleng flashfloods at landslides.
—-