Pumalo sa mahigit 1,500 motorista ang nasampulan sa unang araw ng pagpapatupad ng 50 kilometer per hour speed limit para sa mga Public Utility Vehicle sa EDSA.
Batay sa datos na inilabas ng MMDA o Metro Manila Development Authority, nasa 1,532ang mga sasakyang nahuling dumaraan sa private lane.
Nasa 340 naman ang nahuling lumabag na mga bus habang nasa 35 naman ang mga sasakyang lumabag sa motorcycle lane policy.
Mula ang mga nasabing datos sa mga field personnel at no contact apprehension mula nang umarangkada ang nasabing polisiya ala 6:00 kahapon ng umaga hanggang alas 9:00 kagabi.
Layunin ng nasabing polisiya na mabawasan ang mga aksidenteng kadalasang nagiging sanhi ng mabagal na daloy ng mga sasakyan sa nasabing kalsada.
Mahigit 109,000 aksidente sa daan ang kanilang naitala nuong isang taon o katumbas ng halos 300 aksidente kada araw.