Simula na bukas ng madaling araw ang Simbang Gabi o ang serye ng siyam na araw ng nobena para kay Birheng Maria.
Kaugnay nito, nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga dadalo sa Simbang Gabi na huwag isisi sa mga pari ang kanilang pagka-antok sa misa.
Ayon kay Father Jerome Secillano, Executive Secretary ng CBCP Public Affairs Committee, hindi mga entertainer ang mga pari para hindi antukin ang mga dumadalo sa misa.
Kasabay nito, sinisikap aniya ng ibang mga pari na gawing masaya ang kanilang homiliya para walang antukin sa misa.
Gayunman, binigyang diin ni Secillano na dapat ang mismong mga nagsisimba ang gumawa ng paraan para hindi sila antukin sa misa.
—-