Nakararaming Pilipino ang naniniwalang gaganda ang kanilang buhay sa susunod na taon.
Batay sa survey ng Social Weather STATIONS o SWS, 47 porsyento ng mga Pilipino ang positibong magkakaroon ng magandang buhay sa susunod na taon habang apat na porsyento lamang ang naniniwalang hindi gaganda ang kanilang pamumuhay.
Dahil dito, aabot sa positive 42 ang net personal optimism ng score para sa ikatlong quarter ng 2017 na mas mataas kumpara sa postive 40 net personal optimism score na naitala noong hunyo ng taong kasalukuyang taon.
Samantala, 43 porsyento naman ng mga Pinoy ang umaasang gaganda ang lagay ng ekonomiya ng bansa habang 12 porsyento lamang ang hindi positibo.
Ang naturang survey ay isinagawa sa may 1,500 indibiduwal mula Setyembre 23 hanggang 27.
—-